-- Advertisements --
roxas city ursula
Twitter post from @JanCarloEvans

ROXAS CITY – Umaapela ngayon ng tulong ang mga residente ng Barangay Olutayan sa gobyerno na mabigyan sila ng pagkain at inuming tubig.

Sa interview ng Bombo Radyo kay dating punong barangay Manuel Bong-Bong Aninang, sinabi nito na 80% ng mga bahay sa Barangay Olutayan na nasa lungsod ang totally damaged matapos manalasa ang ipo-ipo at sinundan pa ng bagyong Ursula.

Nabatid na hindi lamang mga bahay ang napinsala sa naturang barangay kundi kasama na rito ang mga sasakyang pandagat na nasa baybayin.

Sa ngayon ay nanatili pa sa mga evacuation centers ang mga apektadong mga residente habang nagtutulungan ang mga kalalakihan sa pagkumpuni sa nasira nilang mga bahay.

Samantala sa pinakahuling report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot na sa apat ang patay sa Capiz, dalawa ang missing at marami ang sugatan sa pagdaan ng bagyong Ursula.