-- Advertisements --

Dumipensa ang Iran Ambassador to United Nation sa pag-atake ng kanilang bansa laban sa Israel sa ginanap na emergency meeting ng UN Security Council.

Ayon kay Iran’s UN envoy Amir Saeid Iravani na ang operasyon ng kanilang bansa sa Israel ay ganap na pagsasagawa lamang ng likas na karapatan ng Iran para depensahan ang kanilang sarili gaya ng nakasaad sa Article 5 ng Charter of the UN at kinikilala ng international law.

Sinabi rin ni Ambassador Iravani na walang intensiyon ang Iran na masangkot sa gulo laban sa US sa rehiyon subalit ibinabala ng Iran na gagamitin nito ang kanilang likas na karapatan nang patas sakaling mag-initiate ang US ng military operation laban sa Iran, sa mamamayan nito o laban sa kanilang seguridad.

Una rito, nagpatawag ng emergency meeting ang UN Security Council nitong Linggo sa kahilingan ng Israel.

Kung saan una ng sinabi ni Israel Ambassador to UN Gilad Erdan na dapat na tumigil na ang Iran sa pag-atake nito bago pa ito maging isang regional war at ma-escalate sa world war.

Umapela din si Erdan sa UN Security Council na italaga ang Iranian Revolutionary Guard Corps bilang isang teroristang organisasyon.

Dapat din aniya na gumawa na ngayon ng aksiyon hindi para sa kapakanan na Israel at ng rehiyon kundi para sa kapakanan ng buong mundo.