Iniulat ng senior US military official na walang significant damage sa loob ng Israel sa inilunsad na ilang serye ng drone at missile strikes ng Iran base sa assessment ng Amerika.
Inulit ding sinabi ni Israeli military spokesperson Daniel Hagari ang naturang assessment at sinabing mula sa daan-daang rockets na inilunsad ng Iran, kakaunti lamang ang hindi naharang ng iron dome ng Israel na nagresulta ng minor damage sa imprastruktura sa Nevatim airbase malapit sa runway at sa daanan sa Hermon region.
Sa kabila nito, nananatili namang fully functional ang Nevatim air base at patuloy din ang flights ng mga eroplano.
Una rito, iniulat ni IDF spokesperson Rear Admiral Daniel Hagari nitong linggo na na-intercept o naharang ng Israel ang 99% ng tinatayang 350 suicide drones, cruise missiles, ballistic missiles at rockets na inilunsad ng Iran kasama ang proxies at kaalyado nito na Iraq, Yemen at Hezbollah sa Lebanon.