-- Advertisements --

Dapat umanong mag-ingat ang Iran sa kanilang balak na pagpapayaman pa sa kanilang kakayahang nuclear.

Reaksyon ito ni US President Donald Trump matapos ang anunsyo ng Tehran na kanila pang papayamanin ang uranium na higit pa sa limitasyong itinakda sa 2015 nuclear deal.

Una rito, sinabi ni deputy foreign minister Abbas Araqchi na nais pa rin nilang isalba ang nasabing kasunduan.

Ngunit sinisi naman nito ang mga bansa sa Europa na hindi raw pinanindigan ang sarili nilang mga commitments.

Sa pahayag naman ni US Secretary of State Mike Pompeo, mahaharap lalo ang Iran sa sanctions sakaling ituloy nila ang nasabing hakbang.