-- Advertisements --
USS BOXER
USS BOXER

Pinabagsak ng US Navy ang Iranian drone sa Strait of Hormuz.

Ito mismo ang kinumpirma ni US President Donald Trump matapos daw na lumapit ang nasabing drone sa nasabing barko ng US Navy.

Isang uri lamang aniya ng pagdedepensa ang ginawa ng USS Boxer dahil sa mayroong 914 meter ang layo ng nasabing unmanned vehicle.

“I want to apprise everyone of an incident in the Strait of Hormuz today, involving #USSBoxer, a U.S. Navy amphibious assault ship. The BOXER took defensive action against an Iranian drone,” bahagi ng Twitter message ni Trump.

Hindi pa naman nagbigay ng anumang reaksyon ang Iran sa nabanggit na insidente.

Nauna nang inakusahan ng US ang Iran sa magkakasunod na pang-aatake sa mga oil tankers mula pa noong Mayo.

Naging malaki ring isyu ang ginawang pagpabagsak ng Iran sa drone naman ng Amerika.