Palihim umanong inutusan ni US President Donald Trump ang US Cyber Command na maglunsad ng cyber attackn laban sa Iranian missile control systems at spy network matapos ang pagpapasabog ng Iran sa isang American surveillance drone.
Una na rito ay inanunsiyo ni Trump ang balak niyang muling patawan ng panibagong sanction ang Iran sa kanilang ginawang pag-atake.
Target daw ng cyber attack na ito ang pasukin ang ilan sa mga computers na ginagamit uppang magsagawa ng rocket at missile launches. Mayroon namang spying group na responsable upang bantayan ang mga barko na naglalayag sa Persian Gulf.
Ngunit ayon sa Iran, hindi sila sigurado kung epektibo ba ang gagawing pag-atake ng Estados Unidos laban sa kanilang bansa.
Dagdag pa ng bansa, malamang daw ay gawa gawa lamang ito ng US media upang maapektuhan ang opinyon ng publiko at unti-unting masira ang reputasyon ng White House.
Kamakailan lamang nang biglang bawiin ni Trump ang pinaplano nitong retaliatory military strike laban sa Iran.
Nagbigay babala naman si US National Security Advisor John Bolton laban sa Tehran na hwuag bigyan nang maling kahulugan ang last-minute cancellation ng kanilang presidente.