Tinuring ni Iran supreme national security council Keyvan Khosravi na isang “psychological warfare” at lumang taktika ng pagbabanta ang pag-anunsyo ng United States sa pagpapadala nito ng naval strike group sa Middle East.
Ito ay matapos kumpirmahin ni US national security adviser John Bolton ang pagpapadala nila sa USS Abraham Lincoln carrier strike force at bomber task force upang magsilbing mensahe sa walang katapusang panggugulo umano ng Iran sa mga ka-alyadong bansa ng Estados Unidos.
Dagdag pa ni Khosravi kulang umano ang kaalaman ni Bolton pagdating sa militar at seguridad kung kaya’t hindi raw sila natatakot sa mga bantang ito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung bakit ngayon lang umaksyon ang US ngunit dahil dito ay naging hakbang daw ito upang mas painitin pa ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.