Naghihinala ngayon si Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif sa pagkakasabay ng nangyaring pagpapasabog sa dalawang oil tanker sa Oman at pagbisita ni Japanese Prime Minister Abe Shinzo sa kanilang bansa.
Ito ay matapos ituro ni US of State Mike Pompeo na responsable umano ang Iran sa naganap na pag-atake.
Paglilinaw ni Zarif na pagmamay-ari ng Japan ang isa sa mga barkong pinasabog. Nagkaroon ng konklusyon dito ang Estados Unidos base sa kanilang nakalap na impormasyon patungkol sa armas na ginamit pampasabog at pati na rin sa level of expertise upang maisagawa ang operasyon.
Nabatid naman ng USS Bainbridge na may nakakabit na limpet mine sa gilid ng isa sa mga barkong sumabog. Ang limpet mine ay uri ng naval mine na ginagamitan ng magnet upang idikit sa target nito.
Tumanggi naman ang United Nations Security Council na magbigay ng pormal na reaksyon sa insidente ngunit hindi raw nila palalampasin ito.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na ebidensya ang kahit anong bansa na maaaring magdiin sa tunay na nasa likod ng pagsabog.