-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Islamic Revolution Guard Corps (IRGC) ng Iran ang matagumpay na paglunsad nila ng military satellite sa orbit sa kauna-unahang pagkakataon.

Tinawag nila itong “Nur” o ilaw na nakarating sa 425 kilometers ng orbit.

Dinala ito ng three-stage Qased launcher.

Ito ang unang pagkakataon na nagtagumpay ang Iran sa paglunsad nila ng satellite dahil noong nakaraang mga taon ay bigo ang mga ito.

Itinanggi naman ng Iran na nilabag nila ang United Nation Security Council resolution at nanindigan na ang kanilang space programme ay mapayapa at wala silang intensiyon na gumawa ng nuclear weapons.