-- Advertisements --

Ipinagtanggol pa ng supreme leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei ang ginawa nilang missile strikes sa Israel.

Sinabi nito na tama, makatarungan at logical ang nasabing airstrike.

Itinuturing pa nito na isa lamang na maliit na kaparusahan ang ginawa nilang missile strike sa Israel kumpara sa mga ginawa nilang krimen.

Ito ang unang pagkakatao na nagsalita ang supreme leader ng Iran ilang araw ng paulanan nila ng missile ang Israel.

Pagtitiyak nito na hinding-hindi sila aatras at gagantihan ang gagawing pag-atake sa kanila ng Israel.

Ang paglabas nito sa publiko ay para ipakita na hindi ito nagtatago at kontrahin ang balita na natatakot siyang lumabas matapos ang pagpatay kay Hezbollah leader Hassan Nasrallah .