Itinanggi ng Iran ang alegasyon kaugnay sa niluluto umano nilang assassination plot laban kay dating US President Donald Trump.
Ayon sa Permanent Mission of the Islamic Republic of Iran to the United Nations, wala umanong basehan at malisyoso ang naturang alegasyon.
Base sa official state-run news agency ng Iran na Islamic Republic News Agency, ikinokonsidera ng Iran si Trump bilang isang kriminal na dapat kasuhan at parusahan sa korte dahil sa pag-utos nitong i-assassinate ang Iranian military General na si Qasem Soleimani noong January 2020.
Sa kabila nito, pinili umano ng Iran ang legal na paraan para dalhin sa hustisiya si Trump.
Nag-ugat ang napaulat na assassination plot ng Iran laban kay Trump matapos makatanggap ng intelligence ang US authorities mula sa isang source sa nakalipas na mga linggo.
Nagbunsod naman ito ng pagpapaigting pa ng Secret Service ng seguridad ng dating Pangulo.