-- Advertisements --
Itinanggi ng Iran na nagpadala ito ng mga ballistic missiles sa Russia.
Ayon sa Permanent Mission of the Islamic Republic of Iran to the United Nations na kahit na walang probisyon sa pagbabawal na pagbenta ng mga ballistic missiles ay hindi magagawa ng Iran na magbenta habang nangyayari pa ang labanan ng Russia at Ukraine.
Ang desisyon ay nagbunsod dahil ayaw nilang makisawsaw sa labanan ng Russia at Ukraine.
Una ng sinabi ni US National Security Council spokesperson John Kirby na ebidensiya sila na nagpapatunay na nagsuplay ng ballistic missiles ang Iran sa Russia.