-- Advertisements --

Mas pinili ng mga Iran na hindi kantahin ang kanilang national anthem bago ang pagsisimula ng laro nila ng England sa World Cup.

Ito ay bilang pagsuporta sa anti-government protest sa kanilang bansa.

Maraming mga fans ang nagsigawan ng “Woman, Life, Freedom”.

Magugunitang sumiklab ang malalwakang kilos protesta sa Iran matapos ang pagkasawi ng 22-anyos na si Mahsa Amini sa kamay ng mga kapulisan.

Aabot na umano sa 400 protesters ang nasawi at 16,800 naman ang naaresto.