Minaliit lamang ng Iran ang alegasyon na pinabagsak nila ang pampasaherong eroplano ng Ukraine na ikinasawi 176 katao.
Ayon kay Iran civil aviation organization and deputy transport minister Ali Abedzadeh, na walang kuwenta ang nasabing usapin at isa lamang itong tsismis.
Paliwanag nito na maraming mga flights ang nagkakasabay-sabay sa taas na 8,000 feet at ang pagtama ng missile sa eroplano ay napakaimposible.
Dagdag pa nito na nagtutulungan na ang Iran at Ukraine para sa pagkuha ng mga impormasyon mula sa black boxes na nabawi sa crash site.
Ilan sa anggulo na tinitignan ng mga Ukrainian experts na ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano ay maaaring mula sa in-flight collision, rocket strike, engine explosion dahil sa problemang teknikal.
Nauna rito inilabas ng Pentagon na ang Ukrainian International Airlines flight PS752 ay natamaan ng Russian-made Tor missile.
Maging si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay nakakuha ng impormasyon na pinabagsak ng Iranian surface-to-air missile ang Ukraine passenger plane.
Sa 176 na pasahero 63 dito ay mga Canadians, tatlong Briton, apat na Afghanistan, 10 Swedes, 11 Ukrainians at tatlong German na patungong Toronto.