TEHRAN, Iran – Nagbabala ang Iran nagaganti ito sa Israel matapos ang ginawang air strike ng Israeli military na kumitil naman ng apat na sundalo ng Iran.
Pero para sa Israel, kung gaganti ang Iran ay pagbabayarin nila ito ng malaki.
Ang lumalalang tensyon sa Middle East ay pinangangambahan ng United States, Germany at Britain, kaya patuloy sila sa panawagang tigil putukan.
Inanunsyo naman ni US president Joe Biden na iwasan ang pambobomba sa nuclear at oil facilities ng Iran.
Pero ayon sa International Atomic Energy Agency,’walang mga nuclear ang mga nadamay sa isinagawang air strike ng Israeli military.
Ang sigalot ay lubusan ding pinangangambahan ng ilang mga bansa sa Europa, kaya panawagan na panatilihin ang pag-control na hindi ito lumala.
Habang kinundena naman ng mga kalapit na bansa ng Iran ang isinagawang strike ng Israel.
Ngunit nangako ang Iran na ang gagawin nilang paghihiganti ay dahil karapatan nilang protektahan ang kanilang bansa.
Nauna naman nang nagpakawala ng rocket salvos ang Hezbollah sa limang residential areas ng Northern Israel na ayon sa mga Israeli Army ay 80 sa mga ito ang kanilang napigilan nitong Sabado.
Kinumpirma naman ng Iran na ang isinagawang strike ng Israel ay nakapinsala sa maliit nilang lugar sa military sites sa Capital at ilang mga probinsya.
Ayon sa general staff ng Iran kasama sa mga napinsala ang kanilang radar system.
Samantala, nakipag-ugnayan naman sa kaniyang mga counterpart sa sa bansang Egypt, Qatar, at Syria si Iran Foreign Minister Abbas Araghchi.