Nagbanta ang isang commander ng Iranian Revolutionary Guards na kakamkamin ang isang British ship bilang ganti sa paghuli ng Royal Marines sa kanilang supertanker sa Gibraltar.
“If Britain does not release the Iranian oil tanker, it is the authorities duty to seize a British oil tanker,” saad ni Mohsen Rezai sa isang social media post.
Ayon sa Gibraltar government, kinakausap bilang mga saksi at hindi mga kriminal ang mga crew ng Grace 1 oil tanker bilang hakbang upang mabatid ang uri ng cargo at ang patutunguhan nito.
Bago ito, sumampa ang British Royal Marines sa vessel na nasa baybayin ng teritoryo ng Britanya at sinamsam nila ang barko.
Kinondena na rin ng Iran ang nasabing pangyayari at kaagad na ipinatawag ang y iligal at hindi katanggap-tanggap na paghuli sa pagmamay-ari nitong oil tanker.
Sa inilabas na pahayag ng Iran foreign ministry, nanawagan ito na palayain na ang oil tanker dahil nabatid ng mga ito na United States mismo ang nag-utos sa Gibraltar officials na hulihin ang kanilang barko. (Reuters)