CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbanta umano si Iranian Supreme Leader Ali Khamenei na buburahin sa kasaysayan ang Israel.
Ito’y sa kondisyon na makakuha ng sapat at matibay na mga ebedensiya ang mga imbestigador na maaaring sangkot ang Israeli government sa malagim na pagkasawi kay Iranian President Ebrahim Raisi nang bumagsak ang presidential chopper sa boundary ng Iran at Azerbaijan noong nakaraang linggo.
Isinalaysay ni Bombo International News Correspondent Al Guacena na hindi pa naglabas ng pinal na resulta ng imbestigasyon ang inatasan na mga imbestigador patungkol sa sinapit sa grupo ni Raisi kaya nanatiling bukas ang si Khamenei sa mga papasok pa na mga impormasyon.
Una na kasing naglantungan ang mga haka-haka na ang Israeli intelligence spies na naka-posisyon sa Azerbaijan ang umano’y nasa likod pagpabagsak ng presidential chopper ni Raisi.
Subalit sa pasiunang inilabas na imbestigasyon ng mga imbestigador,hindi lumihis ng rota si Raisi,nagkatawagan pa ang mga piloto at wala rin umanong bakas ng anumang tama ng mga bala ang debris ng helicopter na sinakyan nito.
Magugunitang nagkapalitan ng missiles at attack drones ang Israel ug Iran na ikina-alarma ng international community noong buwan ng Abril 2024.