Nagbantang tutugon sa loob ng segundo lamang ang Iran sa pangakong pagganti ng Israel at magpapakawala ng mga armas na hindi pa nito ginagamit kung kinakailangan.
Ginawa ng Iran ang naturang babala kasunod ng pangako ng Israel military na reresbak sila sa pag-atake ng Iran noong Sabado, Abril 13 kung saan pinaulanan ng Iran ang Israel ng aabot sa 350 missiles at drone attack, bagamat 99% dito ay napabagsak ng iron dome defense system ng Israel.
Ito ay sa kabila pa ng panawagan ng World leaders sa 2 magkabilang panig na maghunus-dili at mag-deescalate o pahupain ang tensiyon.
Una ng sinabi ni Israeli military chief Herzi Halevi na ikinokonsidera ng Israel ang kanilang magiging susunod na hakbang at papanagutin ang Iran sa pag-atake nito.
Samantala, tinanggal na ng Israeli authorties ang ilang emergency measures na ipinairal kasunod ng pag-atake ng Iran kabilang ang pagbabawal ng ilang school activites at paglimita sa malalaking pagtitipon bagamat nananatiling naka-high alert ang Israel.