-- Advertisements --

Naglabas ng arrest warant ang Iran laban kay US President Donald Trump.

Kasunod ito sa pagkakapatay ng US drone sa top Iranian general sa Baghdad.

Ayon kay Tehran prosecutor Ali Alqasimehr humingi sila ng tulong sa Interpol para maaresto si Trump ang ilang mga kasabwat ni Trump sa pagsasagawa ng nasabing insidente.

Bagamat walang anumang pangamba na maaaresto ang US President, nagpapahiwatig ang nasabing arrest warrant sa nagaganap na tension sa pagitan ng Iran at US.

Nagbunsod ang nasabing tension ng dalawang bansa mula ng mag-withdraw ang US sa nuclear deal.

Dagdag pa ni Alqasimehr na nasa mahigit 30 na iba pa na kasabwat ni Trump ang sinasabing nasa likod ng drone strike noong Enero 3 na ikinasawi ni General Qassem Soleimani sa Baghdad airport.