-- Advertisements --
Naitala ng Iran ang kauna-unahang kaso ng Omicron coronavirus variant.
Ayon kay Deputy Health Minister Kamal Heidari na ang isang middle-age Iranian ang nagpositibo sa nasabing virus.
Bumiyahe umano ito sa United Arab Emirates.
Dagdag pa nito na agad itong inilagay sa quarantine at kanila ng hinanap ang mga nakasalamuha nito.
Umabot na sa mahigit 50 milyon sa kabuuang mahigit 85 milyon na populasyon ng Iran ang nakatanggap na ng dalawang doses ng kanilang COVID-19 vaccines.