Nanawagan ng agarang pagpupulong ang bansang Iran sa United Nations Security Council kasunod ng pagkakapatay ng Hezbollah lider na si Hassan Nasrallah.
Sa isang liham ni Iran U.N. ambassador Amir Saeid Iravani para sa 15 miyembro ng konseho ay nagbabala ito laban sa anumang pag-atake sa mga diplomatikong lugar at mga kinatawan nito na lumalabag sa pundasyong prinsipyo ng inviolability ng diplomatic at consular premises at inulit na hindi nito kukunsintihin ang anumang pag-ulit ng naturang pagsalakay.
“Iran will not hesitate to exercise its inherent rights under international law to take every measure in defense of its vital national and security interests,” pahayag ni Iravani.
Matatandaan na matagal na sinusuportahan ng Iran ang Hezbollah sa pamamagitan ng pag-supply ng mga armas at pagbibigay ng financial aid.
Nauna na din dito ay nagbigay ng babala ang Iran Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei na ang pagkamatay ni Nasrallah ay hindi lamang iiwanang ‘unavenged’.
“The Islamic Republic of Iran strongly warns against any attack on its diplomatic premises and representatives in violation of the foundational principle of the inviolability of diplomatic and consular premises and reiterates that it will not tolerate any repeat of such aggression,” pahayag ni Iravani.