-- Advertisements --
Nanakot ang naval chief ng Iran na kaya nilang muling magpasabog ng US military spy drones tulad ng ginawa noong nakaraan ng Revolutionary Guard forces sa isa US navy RQ-4A Global Hawk na nagkakahalaga ng $100m o halos 600 million pesos.
Ginawa ni Rear Admiral Hossein Khanzadi ang babala na ito habang isinasagawa ang kaniyang pagpupulong kasama ang defence officials ng Iran.
Ito ay matapos biglang kumambiyo si US President Donald Trump na hindi na nito itutuloy ang kaniyang plano na retaliatory military strike laban sa Iran.
Sa kabila nito, nagpasalamat naman si Trump sa desisyon ng Iran na huwag ituloy ang pag-atake sa isang US plane na may lulan na 30 katao na lumilipad sa parehong himpapawid kung saan pinasabog ang unang US drone.