-- Advertisements --

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang southwestern Iran.

Unang naramdaman ang magnitude 4.9 na lindol sa Bushehr province malapit sa nuclear power plant.

Matapos ang 30 minuto ay naramdaman ang pangalawang lindol na may lakas na 4.5 magnitude sa kahabaan ng Iranian coastline.

Ayon sa US Geological Survey (USGS) na ang epicenter ng lindol ay sa 20 kilometers sa lungsod ng Borazjan.

Wala namang naitala ang mga otoridad na nasawi o napinsala dahil sa magkasunod na lindol

Magugunitang halos dalawang linggo ng tumama ang nasa 5.1 magnitude na lindol sa parehas na rehiyon.