-- Advertisements --

Papayagan ng Iran ang mga inspectors mula sa United Nations nuclear watchdog na magsagawa ng nuclear monitoring equipment sa kanilang bansa.

Sa inilabas na kalatas ng mga opisyal ng Iran at International Atomic Energy Agency (IAEA) na tiniyak nila ang kooperasyon anumang gagawin ng UN inspectors.

Ito ang naging resulta sa pagpupulong nina Atomic Energy Organization (AEOI) Mohammad Eslami ng Iran at IAEA Director General Rafael Grossi sa Tehran.

Una ng inihayag ng Iran na kanilang babawalan ang IAEA na bantayan ang kanilang ginagawa sa kanilang nuclear sites hanggang mayroong pagligtas sa 2015 nuclear deal na pinirmahan ng US, United Kingdom, France, Russia, China at Germany.

Subalit pumalpak noon ang kasunduan ng umatras noong 2018 si dating US President Donald Trump sa nasabing nuclear deal.