-- Advertisements --

Pinatawan ng panibagong sanctions ng United Kingdom, France at Germany ang Iran dahil sa pagsusuplay nito ng mga ballistic missiles sa Russia na gagamitin laban sa Ukraine.

Sa ginawang pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa London ay kapwa inanunsiyo nina UK Foreign Secretary David Lammy ang nasabing sanctions.

Kinabibilangan ito ng mga travel bans at pag-freezes sa mga assests ng ilang mga Iranians na inakusahan ng pagpapadala ng mga military supports sa Russia.

Sinabi naman ni Blinken na labis na umaasa na si Russian President Vladimir Putin sa suporta mula sa Iran at North Korea para paigtingin ang atake sa Ukraine.

Ang ginawa umano ng Iran ay malinaw aniya na paglabag sa United Nations resolutions.

May impormasyon din ang US na sinanay ng Iran ang ilang sundalo ng Russia sa paggamit ng Fath-360 ballistic missile system na mayroong maximum range ng hanggang 75 miles.

Nanawagan na lamang ang US at UK sa Iran na tigilan na lamang nito ang pagsusuplay ng mga armas sa Russia.

Una ng pinabulaanan ng Iran ang nasabing alegasyon ng US at UK na sila aya nagbibigay ng mga armas sa Russia.