-- Advertisements --
Itinanggi ng kapulisan sa Tehran, Iran na gumamit sila ng baril sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Ayon kay Tehran police chief Brig-Gen Hossein Rahimi na mahigpit nitong binilinan ang kapulisan na huwag gumamit ng anumang karahasan.
Ang nasabing reaksyon ay kasunod ng kumalat na video sa internet na gumamit ng baril ang kapulisan laban sa mga protesters.
Magugunitang ipinanagawan ng mga protesters ang pagbaba ng mga opisyal ng Iran matapos na aminin nila na tinamaan nila ng missile ang Ukrainian passenger plane na ikinasawi ng 176 katao.