-- Advertisements --
UN SECURITY COUNCIL
UN SECURITY COUNCIL

Naghain nang reklamo ang Iran sa United Nation Security Council laban sa US dahil sa pagpapalipad umano ng drone na paglabag sa kanilang airspace.

Base sa reklamo na inihain ng Iran malinaw daw ang paglabag na ginawa ng Estados Unidos kaya napilitan silang pabagsakin ang drone.

Paglilinaw din nito na karapatan ng Iran na ipagtanggol ang kanilang airspace laban sa sinumang nagbabalak na sumakop dito.

Magugunitang pinabagsak ng Iran ang surveillance drone ng US kung saan inakusahan naman ng US ang Iran na sila ang nasa likod ng pagpapasabog ng dalawang oil tankers noong nakaraang mga linggo.

Nagsimula ang tension sa dalawang bansa matapos na mag-withdraw ang US sa 2015 nuclear deal sa Iran at ipinatupad ang sanctions laban sa Islamic republic.