Naglatag ng kondisyon si Iran President Hassan Rouhani na papayagan nitong palayain ang hinuli ni UK-flagged ship kung palalayain din ng Britain ang kanilang dinakip na Iranian oil tanker sa Gibraltar noong nakaraang buwan.
Ang pahayag na ito ni Rouhani ay posibleng maging hudyat upang maibsan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung diringgin ng UK government ang suhestyon na ito ni Rouhani.
“If Britain steps away from the wrong actions in Gibraltar, they will receive an appropriate response from Iran,” komento ni Rouhani.
Dinakip sa British overseas territory ang Grace-1 supertanker noong July 4 dahil hinihinala na magdadala ito ng langis patungong Syria.
Dalawang linggo matapos nito, hinuli naman ng Iran ang British-flagged na MT Stena Impero sa Strait of Hormuz patungkol sa di-umano’y pagbangga nito sa fishing boat ng Iran at paglabag sa international law.