-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang uranium enrichment ng Iran.

Sa kaniyang talumpati sa 59th Iranian Central Bank General Assembly sa Tehran, sinabi ni President Hassan Rouhani na mas gumanda na ang kanilang nuclear industry.

Ang nasabing Joint Comprehensive Plan of Action na tinawag na 2015 nuclear deal ay pinirmahan ng Russia, France, US, China at Germany na layon nito ay limitahan ang nuclear program ng Iran.

Noong nakaraang taon ay kumalas ang US sa nasabing kasunduan at nagpatupad ng panibagong sanctions sa Iran.