-- Advertisements --
Nagmatigas ang bagong halal na pangulo ng Iran na hindi ito makikipagpulong kay US President Joe Biden.
Hinihiling kasi ni Biden na buhayin muli ang nuclear agreement sa Iran na pirmado noon ni dating US President Barack Obama subalit ibinasura naman ni ex-President Donald Trump.
Sinabi ni Iranian president-elect Ebrahim Raisi na hindi ito makikipagnegosasyon para sa kanlang nuclear weapons program.
Hiniling din ni Raisi na dapat luwagan ang pressure sa na ipinapatupad sa kanilang bansa.
Kabilang kasi si Raisi na pinatawan ng sanctions ng US dahil sa responsable umano ito sa pagpatay sa ilang libong political prisoners noong 1988.
Magugunitang nakakuha ng 17.9 milyon sa kabuuang 28.9 milyon na boto si Raisi noong June 18 election.