-- Advertisements --
Pumayag na ang Iran na ituloy ang nuclear talks.
Ayon kay Iranian nuclear negotiator Ali Bagheri Kani na posibleng isagawa ito bago ang katapusan ng Nobyembre.
Nagbunsod ang desisyon matapos ang pulong nito kay Enrique Mora ang External Action Service Deputy Head ng European Union.
Isinagawa ang pagpupulong sa Brussels, Belgium para matuloy na ang naantalang suspendidong pag-uusap nong Hunyo.
Mula noon ay nagsasagawa na ang Iran ng pakikipagpulong sa mga bansang China, Germany, France, Russia, United Kingdom at US.
Huminto ang Iran na mag-comply sa kasunduan mula ng umatras si dating US President Donald Trump noong taong 2018.