Ipinagtanggol ni Iran’s Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ang ginawang pagpapabagsak nila ng Ukrainian passenger plane na ikinasawi ng 176 pasahero.
Sinabi nito na responsibilidad ng kanilang Revolutionary Guard na panatilihin ang kapayapaan ng kanilang bansa.
Sinabi nito na nalulungkot din sila sa nangyaring pagbagsak ng eroplano.
Tila kumuha pa ito ng suporta ng pangunahan niya ang pagdarasal sa Tehran na ito ang unang beses mula pa noong 2012.
Nanawagan ito ng pagkakaisa sa kanilang bansa dahil ginagamit ng kanilang kalaban tulad ngUS at mga kaalyado ang pagbagsak ng Ukraine passenger plane.
Magugunitang patungong Kyviv mula sa Tehran ang Ukraine International Airlines Boeing 737-800 ng ito ay bumagsak noong Enero 8.
Patay lahat ang lulan nito na kinabibilangan ng citizen mula Iran, Canada, Sweden at United Kingdom.