-- Advertisements --

Tinanggihan ng Iran ang mga panawagan mula sa United Kingdom at ilang mga western countries na tigilan na ang pag-atake sa Israel.

Sinabi ni Iranian President Masoud Pezeshkian na ang hakbang ay bilang pagganti sa ginawang pagpatay kay Hamas leader Ismail Haneyeh sa Tehran.

Mararapat na gumanti ang Iran para tuluyang matigil ang krimen.

Giit pa nito na karapatan umano ng Iran na gumanti.

Bagamat hindi inaako ng Israel ang insidente ay nananatili silang nakaalerto.

Una ng nagbabala rin ang US sa malaking pag-atake na gagawin na ngayon ng Iran.

Maging ang Iran-backed Hezbollah movement sa Lebanon ay nagbanta ng pagganti.