-- Advertisements --

Tuluyan nang itinigil ng Iran ang kahit anong negosasyon nito sa ilalim ng 2015 nuclear deal kasunod ang inilabas na utos ng national security council.

Nakalakip sa nasabing nuclear deal ay ang pagpayag sa Tehran na mag produce ng low-enriched uranium na may 300kg limit.

Nagbigay babala rin ang Iran na hangga’t hindi nagbibigay proteksyon ang ilang bansa mula sa sanctions na ipinataw ng US sa Iran ay sisimulan nito ang lalo nilang lalagpasan ang iniaangkat nilang uranium.

Noong nakaraang linggo nang magbigay babala ang Iran sa mga bansa tulad ng China, France, Germany, Russia at United Kingdom kung saan nagbigay ito ng palugit hanggang dalawang buwan upang luwagan ang sanction sa bansa.

“We felt that the nuclear deal needs a surgery and the painkiller pills of the last year have been ineffective. This surgery is for saving the deal, not destroying it,” ani Iranian President Hassan Rouhani.

Hindi naman pumayag ang mga foreign ministers mula sa European Union sa ibinigay na palugit ng Tehran ngunit sinigurado nila na mananatiling tapat ang mga ito sa napagkasunduan.