GENERAL SANTOS CITY – Naka-impake na umano ang mga gamit ng ilang mga overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng Iran at US at baka madamay ang naturang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Gensan kay Jenny Montano, taga-Datal Tampal Malungon, Sarangani Province at nagtatrabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia na hindi sila nangangamba dahil mapayapa naman sa ngayon ang nasabing bansa at nakaalerto ang gobyerno.
Subalit, nag-ayos na sila ng kanilang mga gamit sakaling ipag-utos na ang mandatory evacuation dali silang makauuwi ng Pilipinas.
Samantala mahigpit umano ang seguridad na ipinatupad sa Saudi Arabia sa mga airports kung saan hindi muna pinapapasukan ng mga turista at mga sundalong Amerikano.
Inihayag ni Montano na updated sila sa mga balita dahil sa Bombo Radyo at nagsasagawa pa ng watch party kung saan halos 600 ang nanonood sa live streaming ng himpilan.