Wala umanong balak na i-extend pa ng Iran ang ibinigay nitong dalawang buwan na palugit sa iba’t ibang bansa upang tuparin ang una nilang ipinangako na protektahan ang naturang bansa mula sa sanctions na ipinataw ng US.
“Iran’s two-month deadline to remaining signatories of the JCPOA (nuclear deal) cannot be extended, and the second phase will be implemented exactly as planned,†ani Atomic energy spokesman Behrouz Kamalvandi.
Matagal nang hindi sumusunod ang Iran sa nilagdaan nitong 2015 nuclear deal agreement matapos tumiwalag ang United States sa paehong kasunduan noong 2018 at nang muli itong magpataw ng mas mahigpit na sanction laban sa Tehran.
Noong Mayo naman nang simulan na ng Iran ang pag-produce nito ng mas maraming uranium na higit pa sa inaasahan ng Estados Unidos.