-- Advertisements --
Humingi na ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dating Iranian beauty queen na isang linggo na ring nasa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Bahareh Zare Bahari, nais na niyang umuwi kaya nanawagan na ito sa Pangulo ng bansa na kung maaari ay tulungan itong makabiyahe.
Una rito, hindi pinayagang makalabas ng bansa si Bahari dahil sa red notice mula sa Interpol bunsod ng kasong pananakit.
Sinabi naman ni Undersecretary Markk Perete ng Department of Justice, nag-apply ang 31-anyos na beauty queen ng asylum kaya hindi ito agad na makakalabas ng bansa.
Si Bahari ay naging representative ng Iran sa Miss Intercontinental 2018 pageant na ginanap sa Manila.