-- Advertisements --
Pinigilan ng mg otoridad ng Iran si Iranian football legend Ali Daei na makaalis sa kanilang bansa.
Ayon sa 53-anyos na football star, naudlot ang balak nilang pamilya na magbakasyon sa Dubai.
Nagulat na lamang sila dahil nagpalit ng ruta ang eroplano at sila ay pinababa sa isang isla sa Iran at ipinabalik sa Tehran.
Naging bukas kasi ang pagsuporta ni Daei sa mga anti-government protest.
Magugunitang sumiklab ang kilos protesta laban sa gobyerno matapos ang pagkasawi ng 22-anyos na si Mahsa Amini habang nasa kustodiya ng mga kapulisan.
Inaresto ito dahil sa hindi umano pagsusuot ng hijab.