-- Advertisements --
Binalaan ni Iranian Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian ang Israel na dapat huwag ng ituloy ang anumang balak na pag-atake nito.
Pagtitiyak niya na anumang hakbang ng Israel na pag-atake sa kanila ay hindi sila magdadalawang isip na ipagtanggol ang sariling bansa.
Isinagawa ng opisyal ng Iran ang pahayag sa pagdalo nito sa pulong ng United Nation Security Council.
Magugunitang pinag-aaralan ng Israel ang pagganti matapos na atakihin sila ng drone at missile ng Iran noong nakaraang mga araw.