-- Advertisements --

Na rescue ng mga tauhan ng mga tauhan ng 14th Special Forces Company, Phil. Navy at Hadji Muhammad Ajul Mayor Talib Pawaki ang isang Iranian national matapos na makaranan ng engine malfunction ang sinasakyang Yate.
Namataan ang Yate ng nasabing banyaga sa may ng island barangays ng Sibago at Langil sa probinsiya ng Basilan.
Batay sa report ng militar ang nasabing Iranian citizen na nakilalang si Mr. Amir Sarkari Feri ay galing umano sa bansang Sweden at patungo sana ito sa bansang Brunei ng magkaroon ng problema ang makina ng Yate.

Agad na rumisponde ang mga tauhan ng Special Forces at Philippine Navy at nagtungo sa nasabing lugar.
Kasalukuyang nasakustodiya ng militar ang nasabing Iranian citizen.