-- Advertisements --
Tuluyan ng lumubog ang ang Iranian navy ship matapos na ito ay masunog sa Gulf of Oman.
Naganap ang pagkakasunog ng oil replenihsment ship na IRIS Kharg sa Iranian port ng Jask habang ito ay nagsasagawa ng training mission.
Umabot sa 20 oras na tinangkang apulahin ng mga bumbero subalit sila ay nabigo.
Nakaligtas naman ang mga crew ng barko.
Gawa sa United Kingdom ang barko at ito ay inilunsad noong 1977 na siyang may pinakamalaking naval vessel kung ang tonnage ang pag-uusapan.
Mahigit apat na dekada rin itong nagbigay ng suporta sa Iranian navy training operations.