-- Advertisements --
Nahaharap sa batikos si Pakistan Prime Minister Imran Khan matapos na ituring nito bilang martyr ang dating Al-Qaeda lider Osama bin Laden.
Isinagawa nito ang pahayag sa harap ng mga mababatas sa parliyamento.
Dagdag pa nito na kaya nagkaroon lamang ng hindi magandang relasyon ang Pakistan at US mula ng mapatay ng US special forces si bin Laden noong 2011.
Base sa paniniwala ng Islam na tinatawag na martyr ang isang tao kapag ito ay napatay o namatay habang ito ay nagsisilbi sa relihiyon.
Nagkaroon lamang ng lamat ang relasyon ng US at Pakistan dahil sa patuloy na pagtanngi nila na hindi doon nagtatago ang terrorist lider hanggang ito ay mapatay ng US noong 2011.