Pinuna ni Iranian Foreign Minister Mohammad Zarif ang desisyon ng United States na magpadala ng karagdagang US military troops sa rehiyon ng Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Paliwanag ni Zarif, nais lamang daw takutin ni President Donald Trump ang Iran upang huwag itong magsimula ng gulo sa dalawang rehiyon na ka-alyansa ng US.
Kumpiyansa naman ang Iranian top envoy na kahit kailan ay hindi magsisimula ang kanilang bansa ng kahit anong gyera laban sa Estados Unidos.
“No, I’m not confident that we can avoid a war. I’m confident that we will not start one,” saad ni
Tinawag din nitong isang malaking kamalian ang naging desisyon ng Amerika at nanawagan sa mga banyagang pwersa na huwag nang makialam pa sa seguridad ng Gulf.
Nakatakda ring maglatag aniya ang Iran ng peace initiative sa gaganapin na United Nations General Assembly sa New York.