-- Advertisements --

Inakusahan ni Iranian President Masoud Pezeshkian ang Israel na lumalabag sa ceasefire deal nila sa Lebanon.

Ito ang laman ng kaniyang talumpati sa D-8 summit na ginanap sa Cairo, Egypt, kung saan ang unang hakbang para tuluyang matigil ang nasabing kaguluhan ay dapat i-pressure ang Israel na tanggapin ang ceasefire sa Gaza at pigilan ang atake sa Lebanon at Syria.

Iginiit nito na suportado nito ang kasunduan na tinanggap ng mga Palestino at ito ay pumayag ang maraming mga mamamayan doon.

Mahalaga ngayon an pilitin ang Israel na tumugon sa ceasefire at tulungan ng maraming bansa ang Lebanon para sila ay muling makabangon.