-- Advertisements --
Nagbabala ang Iran na magkakaroon ng matinding kaguluhan sa rehiyon kapag magpapatuloy ang labanan sa pagitan ng Azerbaijan at Armenia.
Sinabi ni Iranian President Hassan Rouhani, umaasa siyang maibabalik na ang kapayapaan sa pinag-aagawang border sa Nagorno-Karabakh.
Ang nasabing lugar kasi ay bahagi ng Azerbaijan na pinapatakbo naman ng mga ethnic Armenians.
Nagbabala rin ito na hindi dapat mapunta sa kaniyang bansa ang mga stray shells at missiles.
Dumating kasi sa kaalaman nito na habang nagpapalitan nang pag-atake ang naturang dalawang mga bansa may mga bumabagsak namang mga stray bullets at missiles .