-- Advertisements --

Inilibing na si Iranian President Ebrahim Raisi sa holy city ng Masshad.

Napuno ng ilang daang libong mga mamamayan ng Iran ang kalsada kung saan dumaan ang bangkay ng 63-anyos na Iranian President.

Dumalo sa nasabing burial ceremony ang mga opisyal ng Iran at military officials.

Magugunitang nasawi si Raisi matapos na bumagsak ang sinakyan nitong helicopter pagkagaling niya sa pagbubukas ng dam sa boundary nila ng Azerbaijan.