-- Advertisements --

TEHRAN, Iran – Tuluyang lumubog ang Iranian navy frigate Sahand.

Nangyari ito habang nasa southern port ng Bandar Abbas, habang sumasailalim sa repair.

“As Sahand was being repaired at the wharf, it lost its balance due to water ingress,” saad ng impormasyon muna sa Iranian authorities.

Hindi na inilahad pa ng Iran ang iba pang detalye ng paglubog ng barko.

Gayunman, lumalabas na may mga isinugod sa ospital para lapatan ng lunas, matapos ang naturang pangyayari sa barko.