-- Advertisements --
Ikinalugod ng Iraq ang naging plano ni Pope Francis na pagbisita sa kanilang bansa.
Ayon sa foreign ministry office ng Iraq na ang pagbisita ng Santo Papa ay sumisimbolo sa kapayapaan ng Iraq at sa buong rehiyon.
Mismong si President Barham Saleh ang nag-imbita sa Santo Papa na bumisita sa kanilang bansa noon pang Hulyo 2019.
Magugunitang inihayag ng Vatican na matutuloy na ang pagbisita ng Santo Papa sa nasabing bansa sa darating na Marso.
Dahil aniya sa patuloy na kaguluhan sa bansa ay maraming mga Kristiyano ang nadamay.