Mariing kinondena ng Iraq ang inilunsad na air strikes ng Estados Unidos na ikinamatay ng nasa 25 katao na kasapi ng isang militia.
Ayon kay Iraqi Prime Minister Adel Abdel Mahdi, ang aksyong ito ng US ay paglabag sa soberenya ng kanilang bansa.
Nagpahiwatig din ang opisyal na ire-review na ng Iraq ang kanilang relasyon sa Washington dahil sa naturang insidente.
Una rito, pinuntirya ng US forces ang Kataib Hezbollah militia bilang paghihiganti sa pang-aatake sa kanilang mga himpilan sa Iraq.
Ilan taon nang magkaakibat ang US at Iraq sa paglaban sa puwersa ng teroristang Islamic State (IS) group.
“The prime minister described the American attack on the Iraqi armed forces as an unacceptable vicious assault that will have dangerous consequences,” pahayag ng tanggapan ni Mahdi.
Sinubukan din aniya ni Mahdi na sabihan ang mga kasapi ng militia tungkol sa air strike.
Ipapatawag din umano ang US ambassador sa Baghdad upang talakayin ang paksa.
“We also stress that Iraq is an independent country, that its internal security is a priority… and it will not be allowed to be a battlefield, a passage to carry out attacks, or a place [to be used] to harm neighbouring countries,” dagdag nito.
Sa pahayag naman ng Washington, nabigo raw ang Iraqi authorities na pangalagaan ang interes ng Estados Unidos.
“We have warned the Iraqi government many times, and we’ve shared information with them to try to work with them to carry out their responsibility to protect us as their invited guests,” wika ng isang senior US state department official. (BBC)