Hinimok ni Pope Francis ang mga Muslim at Christian religious leaders sa Iraq na isantabi ang mga hidwaan at magtulungan para sa kapayapaan at pagkakaisa.
Ginawa ng Santo Papa ang pahayag sa nangyaring interfaith meeting sa sinaunang siyudad ng Ur, na sinasabing lugar ng kapanganakan ng propetang si Abraham, na itinuturing na ama ng Kristyanismo, Islam, at Judaism.
“This is true religiosity: to worship God and to love our neighbour,” wika ng Catholic pontiff.
Kasabay nito, kinondena rin ng Santo Papa ang “extremism” sa ngalan ng relihiyon.
“We believers cannot be silent when terrorism abuses religion,” anang Santo papa.
“Indeed, we are called unambiguously to dispel all misunderstandings. Let us not allow the light of heaven to be overshadowed by the clouds of hatred.”
“From this place, where faith was born, from the land of our father Abraham, let us affirm that God is merciful and that the greatest blasphemy is to profane his name by hating our brothers and sisters,” dagdag nito. “Hostility, extremism and violence are not born of a religious heart: they are betrayals of religion.”
Hindi rin aniya magkakaroon ng kapayapaan hangga’t iba ang tingin ng mga Iraqi sa mga taong iba ang paniniwala.
“Peace does not demand winners or losers, but rather brothers and sisters who, for all the misunderstandings and hurts of the past, are journeying from conflict to unity,” sabi nito.
Kalaunan ay nagsagawa ng Misa si Pope Francis sa St. Joseph’s Cathedral sa central Baghdad.
Nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang mga otoridad kung saan nag-deploy pa ng special forces sa area at nagtayo rin ng mga concrete barrier sa labas ng simbahan. (Al Jazeera/ BBC)